Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 19

19
Ang Israel sa Sinai. Si Moises ay tinawag ng Panginoon sa bundok.
1Sa ikatlong buwan, pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto, ay #Ex. 16:1. dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai.
2At nang sila'y umalis sa #Ex. 17:1, 8.Rephidim, at dumating sa ilang ng Sinai, ay humantong sila sa ilang; at doo'y humantong ang Israel #Ex. 3:1, 12.sa harap ng bundok.
3At si Moises ay lumapit sa Dios, #Ex. 3:4.at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel.
4Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, #Deut. 32:11; Is. 40:31; Apoc. 12:14.at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.
5 # Deut. 5:2. Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, #Deut. 14:2, 21; 26:18; Awit 135:4; Tit. 2:14.ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;
6At kayo'y magiging isang #1 Ped. 2:5, 9; Apoc. 1:6; 5:10; 20:6.kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang #Lev. 19:2; Deut. 7:6; Is. 62:12.banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.
7At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya.
8At #Ex. 24:3, 7; Deut. 5:27; 26:17.ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
9At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito #tal. 16; Ex. 20:21; 24:15, 16; Mat. 17:5.ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
10At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas #tal. 14; Gen. 35:2.at labhan nila ang kanilang mga damit,
11At humanda sa ikatlong araw: #tal. 16, 18.sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai.
12At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot, na iyong sasabihin, Magingat kayo, na kayo'y huwag sumampa sa bundok, o sumalang sa hangganan: #Heb. 12:20. sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala:
13Walang kamay na hihipo sa kaniya, kundi, siya'y tunay na babatuhin, o papanain; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay: pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok.
14At #tal. 3.bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinakabanal ang bayan, at sila'y naglaba ng kanilang mga damit.
15At kaniyang sinabi sa bayan, #tal. 11. humanda kayo sa ikatlong araw; huwag kayong sumiping sa babae.
16At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na #Awit 77:17, 18; Heb. 12:18, 19; Apoc. 4:5; 8:5; 11:19. kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang #Apoc. 1:10; 4:1.tunog ng pakakak ay napakalakas; #Heb. 12:21.at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig.
17 # Deut. 4:10. At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.
18At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na #Ex. 3:2; 24:17; Deut. 5:8-10; 33:2.nasa apoy: #Apoc. 15:8.at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, #Awit 68:8; Heb. 12:26.at ang buong bundok ay umuugang mainam.
19At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, #Awit 81:7.at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.
20At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa.
21At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas #Ex. 3:5.upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila.
22At gayon din ang mga saserdote, na lumalapit sa Panginoon #Lev. 10:3.ay papagbanalin mo, #2 Sam. 6:8.baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila.
23At sinabi ni Moises sa Panginoon, Ang baya'y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai: sapagka't iyong pinagbilinan kami, na iyong sinabi, #tal. 12; Jos. 3:4.lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok, at iyong ariing banal.
24At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Yumaon ka, bumaba ka; at ikaw ay sasampa, ikaw at si Aaron na iyong kasama: nguni't ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon, baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila.
25Sa gayo'y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila.

Kasalukuyang Napili:

EXODO 19: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in