EZEKIEL 17
17
Ang talinghaga ng dalawang aguila at isang baging.
1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel;
3At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, #Jer. 48:40. Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro:
4Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon, at dinala sa isang lupain na kalakalan; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal.
5Kumuha rin siya sa binhi ng lupain, at itinanim sa isang mainam na #Deut. 8:7, 9. lupa; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce.
6At tumubo, at naging mayabong, na puno ng baging #tal. 14. na mababa, na ang mga sanga ay patungo sa dako niya, at ang mga ugat niyao'y nasa ilalim niya; sa gayo'y naging isang puno ng baging, at nagsanga, at nagsupling.
7May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo: at, narito, #tal. 15. ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon, sa dako niya, at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan, upang kaniyang madilig.
8Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig, upang makapagsanga, at makapagbunga, upang maging mabuting puno ng baging.
9Sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Giginhawa baga yaon? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon, at kikitlin ang bunga niyaon, upang matuyo; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito'y mabubunot sa mga ugat.
10Oo, narito, yamang natanim ay giginhawa baga? #Jer. 4:11; Ezek. 19:12; Os. 13:15. hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya #Jer. 18:17. ng hanging silanganan? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya.
Ang kahulugan ng mga aguila at baging.
11Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:
12Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, #2 Hari 24:11, 12. ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia.
13 #
2 Hari 24:17; Jer. 37:1. At siya'y kumuha sa lahing hari, at nakipagtipan siya sa kaniya: #2 Cron. 36:13. isinailalim din niya siya sa panunumpa, at dinala #2 Hari 24:15. ang mga dakila sa lupain;
14Upang ang kaharian ay mababa, upang huwag makataas, kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo.
15 #
2 Hari 24:20; 2 Cron. 36:13; Jer. 52:3. Nguni't siya'y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo #Jer. 37:5, 7. sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao. Giginhawa baga siya? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan?
16Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay #2 Hari 25:7. sa gitna ng Babilonia na kasama niya.
17Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay #Jer. 44:30. walang magagawa, pagka sila'y mangagtitindig ng mga bunton; at mangagtatayo ng mga katibayan, upang pumatay ng maraming mga tao.
18Sapagka't kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan; at narito, #1 Cron. 29:24. naiabot na niya ang kaniyang kamay, at gayon ma'y ginawa ang lahat na bagay na ito; siya'y hindi makatatanan.
19Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Buháy ako, walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak, at ang tipan sa akin na kaniyang sinira, aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo.
20At #Ezek. 12:13. aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at #Ezek. 20:35, 36. siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin.
21At ang lahat niyang mga tanan sa lahat #Ezek. 12:14. niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon.
Ang mabuting cedro.
22Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, #tal. 3. Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro, at aking itatanim; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga #Is. 53:21; Mat. 1:12, 13. ay puputol ako ng supling, at aking #Awit 2:6. itatanim sa isang mataas na bundok at matayog:
23Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking #Ezek. 20:40. itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y #Ezek. 31:6; Dan. 4:12; Mat. 13:32. tatahan ang lahat na ibon na may iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila.
24At ang lahat na punong kahoy sa parang ay makakaalam na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punong kahoy, nagtaas sa mababang punong kahoy, tumuyo sa sariwang punong kahoy, at nagpanariwa sa tuyong punong kahoy: #Ezek. 22:14; 24:14. akong Panginoon ang nagsalita at gumawa niyaon.
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 17: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: