GALACIA 5
5
1Sa #Juan 8:32, 36; Rom. 6:18; 8:2; 2 Cor. 3:17; Gal. 2:4; 4:31. kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli #Gal. 2:4. sa pamatok ng pagkaalipin.
2Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, #Gawa 15:1. na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.
3Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, #Rom. 2:25; Gal. 3:10. na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.
4Kayo'y hiwalay kay Cristo, #Gal. 2:21. kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula #Heb. 12:15. sa biyaya.
5Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay #Rom. 8:23, 25. naghihintay ng pangako ng katuwiran.
6Sapagka't #1 Cor. 7:19; Gal. 6:15; Col. 3:11. kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; #1 Tes. 1:3; Sant. 2:18, 20, 22. kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.
7Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; #Gal. 3:1. sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?
8Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula #Gal. 1:6. doon sa tumawag sa inyo.
9Ang kaunting lebadura ay #1 Cor. 5:6. nagpapakumbo sa buong limpak.
10Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't #Gal. 1:7. ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.
11Nguni't ako, mga kapatid, #tal. 8. kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, #Gal. 4:20; 6:12. bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos #1 Cor. 1:23. na ang katitisuran sa krus.
12Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng #Gal. 1:8, 9. higit sa pagtutuli.
13Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa #tal. 1. kalayaan; #1 Cor. 8:9; 1 Ped. 2:16; 2 Ped. 2:19. huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.
14Sapagka't ang #Mat. 7:12; 22:40; Gal. 6:2. buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: #Lev. 19:18; Rom. 13:9. Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.
15Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.
16Sinasabi ko nga, #Rom. 8:1, 4. Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.
17Sapagka't #Rom. 7:23. ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; #Rom. 7:15, 19. upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
18Datapuwa't #Rom. 8:14. kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.
19 #
1 Cor. 3:3; Col. 3:5. At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
20Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
21Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na #1 Cor. 6:9; Ef. 5:5; Col. 3:5; Apoc. 22:15. ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.
22Datapuwa't #Ef. 5:9. ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, #Col. 3:12. kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
23Kaamuan, pagpipigil; #1 Tim. 1:9. laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
24At #tal. 16; Rom. 6:6; 1 Ped. 2:11. ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.
25 #
Col. 3:5. Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.
26Huwag tayong maging mga palalo, #Fil. 2:3. na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.
Kasalukuyang Napili:
GALACIA 5: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: