Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

OSEAS 12

12
Ang pagkaidolatria ng Ephraim ay tinutulan.
1Ang Ephraim #Job 15:2. ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging #Os. 5:13. nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.
2Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.
3Sa bahay-bata ay #Gen. 25:26. kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay #Gen. 32:28. nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:
4Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa #Gen. 28:12. Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.
5Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay #Ex. 15. kaniyang alaala.
6Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.
7Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.
8At sinabi ng Ephraim, #Zac. 11:5. Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,
9Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin #Lev. 23:34. pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.
10Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.
11Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.
12At si Jacob ay #Gen. 28:5. tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at #Gen. 29:20, 28. naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.
13 # Deut. 18:15. At sa pamamagitan ng isang propeta ay #Ex. 12:50. isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.
14Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

Kasalukuyang Napili:

OSEAS 12: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in