Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

OSEAS 3

3
Ang ikalawang pagaasawa ni Oseas ay naging tanda.
1At sinabi ng Panginoon sa akin, #Os. 1:2, 3. Yumaon ka pa, suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan, #Jer. 3:20. at mangangalunya, sa makatuwid baga'y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel, bagaman sila'y nagsisipihit sa ibang mga dios, at nangakakagusto ng mga binilong pasas.
2Sa gayo'y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak, at ng isang homer na cebada, at ng kalahating homer na cebada;
3At sinabi ko sa kaniya, Ikaw ay mapapa #Deut. 21:13. sa akin na maraming araw; ikaw ay hindi magpapatutot, at ikaw ay hindi na magiging asawa pa ng ibang lalake; kaya't ako naman ay sasa iyo.
4Sapagka't ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na #Os. 10:3. walang hari, at #Os. 9:4. walang prinsipe, at walang hain, at walang haligi, at walang #Ex. 28:6. efod o mga #Huk. 17:5. teraf:
5Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si #Jer. 23:5; 30:9. David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa #Jer. 31:12. kaniyang kabutihan sa mga huling araw.

Kasalukuyang Napili:

OSEAS 3: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in