OSEAS 7
7
Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa paghihimagsik ng Israel.
1Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.
2At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; #Awit 90:8. sila'y nangasa harap ko.
3Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.
4Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.
5Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.
6Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy.
7Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: #2 Hari 15:10, 14, 25, 30. wala sa kanila na tumawag sa akin.
8Ang Ephraim, #Awit 106:35. nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.
9Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang #Os. 8:7. yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.
10At #Os. 5:5. ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: #Is. 9:13. gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.
11At ang Ephraim #Os. 11:11. ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa #2 Hari 17:4; Os. 12:1. sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria.
12Pagka sila'y magsisiyaon, ay #Ezek. 12:13. aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig #Lev. 26:14, 39. sa kanilang kapisanan.
13Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y #Mik. 6:4. aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.
14At sila'y hindi nagsidaing #Jer. 3:10. sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.
15Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.
16Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi #Os. 11:7. sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y #Awit 78:57. parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot #Awit 73:9. ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila #Os. 9:3. sa lupain ng Egipto.
Kasalukuyang Napili:
OSEAS 7: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: