ISAIAS 33
33
Kapayapaan ay hahalili sa pagkagiba ng kaaway. Ang katatagan ng matuwid.
1Sa aba mo na #Is. 21:2; Hab. 2:18. sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! #Apoc. 13:10. Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.
2Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay #Is. 25:9; 26:8. ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.
3Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat #Awit 68:1. ang mga bansa.
4At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.
5Ang Panginoon ay nahayag; #Awit 97:9. sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.
6At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.
7Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; #2 Hari 18:37. ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.
8Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay #Huk. 5:6. naglilikat: #2 Hari 18:14-17. kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.
9Ang lupain ay nananangis at nahahapis: #Is. 24:4. ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang #Is. 35:2. Saron ay gaya ng isang ilang; at ang #Is. 2:13. Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.
10Ngayo'y babangon ako, #Awit 12:5. sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.
11Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng #Awit 7:14; Is. 59:9. dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.
12At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: #Is. 9:18. gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.
13Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, #Is. 49:1. kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.
14Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang #Is. 9:17. mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?
15Siyang lumalakad ng matuwid, at#33:15 Awit 15:2; 24:4. nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;
16Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang #2 Cron. 32:30. kaniyang tubig ay sagana.
Ang Mabiyayang paghahari ng Panginoon.
17Makikita ng iyong mga mata #Is. 6:5. ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak.
18Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: #1 Cor. 1:20. saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?
19Hindi mo makikita ang #2 Hari 19:32. mabagsik na bayan, #Deut. 28:49; Jer. 5:15. ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.
20Tumingin ka sa Sion, ang #Awit 48:12. bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang #Awit 46:5; 125:1, 2. Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo #Is. 37:33. na hindi makikilos, ang mga tulos #Is. 54:2. niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.
21Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.
22Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, #Awit 89:18. ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.
23Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.
24At ang mamamayan ay #Awit 103:3; Is. 38:1-8. hindi magsasabi, Ako'y may sakit: #Jer. 50:20. ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 33: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: