Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 44

44
Ang Panginoon lamang ang iisang Dios.
1Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh #Is. 41:8. Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:
2Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo #Is. 43:1, 7. sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; #Is. 43:5. Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw #Deut. 32:15. Jeshurun, na aking pinili.
3Sapagka't #Is. 32:15; Joel 2:28; Juan 4:10; 7:38; Gawa 2:18. ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:
4At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.
5Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat #Is. 45:4. ng pangalan ng Israel.
6Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, #Is. 41:4. Ako ang una, at ako ang huli; at #tal. 8; Awit 86:10. liban sa akin ay walang Dios.
7At sino, na gaya ko, tatawag, at #Is. 41:23. magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
8Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: #Is. 41:22. hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at #Is. 43:10, 12. kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.
9 # Is. 41:24, 29. Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay #Awit 115:5. hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
10Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan #Hab. 2:18. na di pakikinabangan sa anoman?
11Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.
12Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at #Is. 40:19; Jer. 10:3-5. gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at patá.
13Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.
14Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.
15Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at #tal. 17, 19; Is. 46:6. pinagpapatirapaan.
16Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:
17At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.
18 # Is. 45:20. Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.
19At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?
20Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng #Os. 4:12; Rom. 1:21. nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang #Awit 144:8; Rom. 1:25. kabulaanan sa aking kanang kamay?
Inililigtas ng Panginoon ang kaniyang bayan.
21Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't #tal. 1:2. ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22Aking pinawi na #Is. 43:25. parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos #Is. 43:1; 48:20. kita.
23Magsiawit, Oh #Is. 49:13. kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, #Awit 63:9. mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.
24Ganito ang sabi ng Panginoon, ng #tal. 6. iyong Manunubos, at niyang #tal. 2; Is. 49:5. naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;
25Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at #Deut. 18:14. nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at #1 Cor. 1:20. nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;
26Na nagpapatatag ng salita ng #Is. 20:3. kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:
27Na nagsasabi sa kalaliman, #Jer. 50:38; 51:32, 36. Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;
28Na nagsasabi tungkol kay #Is. 45:1. Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, #2 Cron. 36:22, 23; Ezra 1:1-3; Is. 45:13. Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 44: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in