Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 50

50
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
1Ganito ang sabi ng Panginoon, #Deut. 24:1; Jer. 3:8; Os. 2:2. Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? #Deut. 32:30. o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili #Is. 52:3; Rom. 7:14. kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.
2Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y #Is. 65:2. tumawag, ay walang sumagot? #Is. 59:1. naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? #Ex. 14:21; Is. 51:10. Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: #Ex. 7:18, 21. ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.
3Aking binibihisan ng kaitiman ang langit #Ex. 10:21. at aking ginagawang #Apoc. 6:12. kayong magaspang ang kaniyang takip.
4Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, #Is. 8:16. upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. #Is. 28:19. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.
5Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y #Mat. 26:39; Juan 4:34; Heb. 5:8; 10:5-7; Fil. 2:8. hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.
6 # Mat. 27:26. Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, #Mat. 26:67. at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
7Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't #Ezek. 3:8, 9; Luc. 9:51. inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, #Heb. 12:2. at talastas ko na hindi ako mapapahiya.
8Siya'y malapit #Rom. 8:32-34. na nagpapatotoo sa akin; #Job 12:19. sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.
9Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? #Awit 102:26; Is. 51:6. narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin #Awit 39:11; Mat. 6:19, 20. sila ng tanga.
10Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? #Awit 23:4. Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, #2 Cron. 13:18. at umasa sa kaniyang Dios.
11Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. #Juan 9:39. Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga #Awit 16:4. sa kapanglawan.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 50: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in