Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 57

57
Makaidolatria na ugali ng Israel.
1Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.
2Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa #2 Cron. 16:14. kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran.
3Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.
4Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, #Is. 1:4. lahing sinungaling,
5Kayong mga nangagaalab #Is. 1:29. sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, #1 Hari 14:23; 2 Hari 16:4. sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na #Lev. 18:21. pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?
6Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito?
7Sa isang mataas #Ezek. 16:16, 25. at matayog na bundok ay inilagay mo ang #Ezek. 23:17. iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain.
8At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad #Ezek. 16:15. sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: #Ezek. 16:26; 28; 23:2-20. iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.
9At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.
10Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, #Jer. 2:25; 18:12. Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.
Ang pagpapakababa at pagtitiis ng Panginoon.
11At #Is. 51:12, 13. kanino ka nangilabot at natakot, #Awit 78:36. na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? #Awit 50:21. hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.
12Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.
13Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: #Is. 14:32. nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay #Awit 37:9. magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na #Is. 11:9; 65:11, 25. bundok.
14At kaniyang sasabihin, #Is. 62:10. Inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan.
15Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, #Luc. 1:49. na ang pangalan ay #Zac. 2:13. Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na #Awit 34:18. kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob #Is. 61:1. ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.
16Sapagka't hindi ako #Awit 103:9. makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
17 # Blg. 16:22. Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako, at sinaktan ko siya; aking ikinubli ang aking mukha at ako'y napoot; at siya'y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso.
18Aking nakita ang kaniyang mga lakad, at pagagalingin ko #Jer. 3:22. siya; akin ding papatnubayan siya, at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya, at ang #Is. 61:2, 3. kaniyang nangananangis.
19Aking nililikha ang #Heb. 13:15. bunga ng mga labi: #Ef. 2:17. Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya #Gawa 2:39. na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.
20Nguni't ang masama #Jud. 13. ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.
21Walang kapayapaan, #Is. 48:22. sabi ng aking Dios, sa mga masama.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 57: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in