Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 12

12
Pagtawag ni Jeremias.
1 # Awit 51:4. Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: #Job 12:6; 21:7-17; Awit 37:1, 7, 35, 36; 73:3-7; Jer. 5:28; Hab. 1:4, 13; Mal. 3:15. bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?
2Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.
3Nguni't ikaw, Oh Panginoon, nakakakilala sa akin; iyong nakikita ako, at tinatarok mo ang aking puso: itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan, at ihanda mo sila #Mat. 5:5. sa kaarawan ng pagpatay.
4Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.
Ang sagot ng Panginoon.
5Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa #Jos. 3:15; Jer. 49:19; 50:44. kapalaluan ng Jordan?
6Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.
Ang hatol ng Panginoon sa Juda at sa kaniyang mga kaaway.
7Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil #Is. 19:25. ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
8Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya.
9Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.
10Sinira ng maraming #Jer. 6:3. pastor #Is. 5:1, 5. ang aking ubasan, #Is. 63:18. kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.
11Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't #Is. 42:25. walang taong gumugunita.
12Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.
13Sila'y nangaghasik ng #Lev. 26:16; Deut. 28:38; Mik. 6:15; Hag. 1:6. trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.
14Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama #Ezek. 25:6-12. kong kapuwa, #Zac. 2:8. na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin #Deut. 30:3. silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.
15At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; #Jer. 24:6; 30:3. at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.
16At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, #Jer. 4:2. ang pagsumpa sa pangalan ko, Buháy ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila #1 Ped. 2:5. sa gitna ng aking bayan.
17Nguni't kung hindi nila #Is. 60:12. didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

JEREMIAS 12: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in