JOB 12
12
Pinatunayan ni Job ang kapangyarihan ng Dios.
1Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,
2Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan,
At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
3Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo:
Hindi ako huli sa inyo:
Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
4 #
Job 30:1. Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa,
Ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya:
Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.
5Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi;
Nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.
6Ang mga tolda ng mga tulisan ay #Job 21:7; Awit 73:12. gumiginhawa,
At silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay;
Na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.
7Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila:
At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
8O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo;
At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
9Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito,
Na #Job 1:20; Is. 41:20. ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
10 #
Dan. 5:23; Gawa 17:28. Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay,
At ang hininga ng lahat ng mga tao.
11 #
Job 34:3. Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig;
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
12Nasa mga matanda ang karunungan,
At sa kagulangan ang unawa.
13Nasa Dios ang karunungan at kakayahan;
Kaniya ang payo at pagkaunawa.
14Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli;
#
Is. 22:22. Siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
15Narito, #Deut. 11:17. kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo;
Muli, kaniyang #Gen. 7:11, etc.; Amos 9:6. binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
16Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan,
Ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
17Kaniyang #Ec. 7:7; Is. 44:25. pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait,
At ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
18Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari,
At binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19Kaniyang pinalalakad na #Is. 20:4. hubad sa bait ang mga saserdote.
20Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan.
At #Job 32:9. inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
21 #
Awit 107:40. Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo,
At kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22Siya'y naglilitaw ng mga malalim
na bagay mula sa kadiliman,
At inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
23 #
Is. 26:15. Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya:
Kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
24Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa,
At #Awit 107:40. kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.
25Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag,
At kaniyang #Awit 107:27. pinagigiraygiray sila na gaya ng lango.
Kasalukuyang Napili:
JOB 12: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: