JOB 27
27
Ang pagasa ng makasalanan ay walang kabuluhan.
1At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
2Buhay ang Dios, #Job 34:5. na siyang nagalis ng aking katuwiran,
At ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
3(Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin,
At ang espiritu #Gen. 2:7. ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
4Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan,
Ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
5Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap:
#
Job 2:3, 9. Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
6Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan:
#
Gawa 24:16. Hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
7Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama,
At ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
8 #
Job 8:13; Mat. 16:26. Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya,
Pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
9 #
Kaw. 1:28. Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat,
At tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios;
Ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12Narito, kayong lahat ay nangakakita;
Bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 #
Job 20:29. Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios,
At ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 #
Deut. 28:41; Os. 9:13, 16. Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa #Jer. 15:2. tabak,
At ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan,
#
Awit 78:64. At ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16Bagaman siya'y #Zac. 9:3. magbunton ng pilak na parang alabok,
At maghahanda ng bihisan na parang putik;
17Maihahanda niya, #Kaw. 13:22. nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon.
At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga,
At #Is. 1:8. gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya #Jer. 8:2; Ezek. 29:5. pupulutin;
Kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 #
Job 18:11. Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na #Job 22:11. gaya ng tubig;
Bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw;
At pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22Sapagka't #Job 16:13. hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad;
Siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 #
Panag. 2:15. Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya.
At #Jer. 49:17. hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
Kasalukuyang Napili:
JOB 27: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: