Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 4

4
Ang unang pagsasalita ni Eliphaz. Kaniyang pinatunayan ang katarungan ng Dios.
1Nang magkagayo'y sumagot si #Job 2:11. Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba?
Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita?
3Narito, ikaw ay nagturo sa marami,
At iyong pinalakas #Is. 35:3. ang mahinang mga kamay.
4Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal,
At iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.
5Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay;
Ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.
6Hindi ba ang #Job 1:1. iyong takot sa Dios ay #Kaw. 3:26. ang iyong tiwala,
At ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?
7Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay?
O saan nangahiwalay ang mga matuwid?
8Ayon sa aking pagkakita #Os. 10:13. yaong nagsisipagararo ng kasamaan,
At nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
9Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay,
At #Is. 30:33. sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol.
10Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon,
At #Awit 58:6. ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.
11Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli,
At ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat.
Ang pagkawalang kabuluhan ng tao sa harapan ng Dios.
12Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay,
At ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon.
13 # Job 33:15. Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao,
14Takot ay dumating sa akin, at panginginig,
Na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto.
15Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha.
Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.
16Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon;
Isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata:
Tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,
17 # Job 9:2. Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios?
Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?
18Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod;
At inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:
19Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga #Job 10:9, etc. bahay na putik,
Na ang patibayan ay nasa #Gen. 3:19. alabok,
Na napipisang gaya ng #Job 13:28. paroparo!
20Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba;
Nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.
21 # Awit 39:11. Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila?
Sila'y nangamamatay at walang karunungan.

Kasalukuyang Napili:

JOB 4: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in