JOB 8
8
Ang unang pagsasalita ni Bildad. Ipinagtanggol ang katarungan ng Dios.
1Nang magkagayo'y sumagot si #Job 2:11. Bildad na Suhita, at nagsabi,
2Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito?
At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
3 #
Gen. 18:25; Deut. 32:4. Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios?
O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
4Kung ang #Job 1:5, 18, 19. iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya,
At kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
5Kung hanapin #Job 5:8. mong mainam ang Dios,
At iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
6Kung ikaw ay malinis at matuwid;
Walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo.
At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
7At bagaman ang iyong pasimula ay maliit,
Gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
8 #
Deut. 4:32; 32:7. Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon,
At pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
9 #
Awit 39:5; 144:4. (Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman,
Sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay #Job 14:2; Awit 102:11. anino:)
10Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo,
At mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
11Makatataas ba ang yantok ng walang putik?
Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
12 #
Awit 129:6; Jer. 17:6. Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol,
Natutuyong una kay sa alin mang damo.
13Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios;
At ang #Job 11:20; Awit 112:10; Kaw. 10:28. pagasa ng di banal ay mawawala:
14Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam,
At ang kaniyang tiwala ay isang #Is. 59:5, 6. bahay gagamba.
15Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo;
Siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
16Siya'y sariwa sa harap ng araw,
At ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
17Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton,
Kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
18Kung siya'y magiba sa kaniyang dako,
Kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
19Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad,
At #Awit 113:7. mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
20Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao,
Ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
21Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa,
At ang iyong mga labi ng paghiyaw.
22Silang nangapopoot sa iyo ay
#
Awit 35:26; 109:29; 132:18. mabibihisan ng pagkahiya;
At ang tolda ng masama ay mawawala.
Kasalukuyang Napili:
JOB 8: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: