MGA PANAGHOY 5
5
Idinaing ang kapighatian sa pagkabihag. Panalangin upang humingi ng habag.
1Iyong alalahanin, Oh Panginoon, #Awit 89:50. kung anong dumating sa amin:
Iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
2Ang aming mana ay #Awit 79:1. napasa mga taga ibang lupa,
Ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
3Kami ay mga ulila at walang ama;
Ang aming mga ina ay parang mga bao.
4Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi;
Ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
5Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg:
Kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
6Kami ay nakipagkamay #Jer. 50:15. sa mga taga Egipto,
At sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
7Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na;
At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
8Mga alipin ay nangagpupuno #Nah. 2:10, 19. sa amin:
Walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
9Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay,
Dahil sa tabak sa ilang.
10Ang aming balat #Awit 119:83. ay maitim na parang hurno,
Dahil sa maningas na init ng kagutom.
11Kanilang dinahas ang mga babae, #Is. 13:16; Zac. 14:2. sa Sion,
Ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay:
Ang mga mukha ng mga matanda ay #Panag. 4:16. hindi iginagalang.
13Ang mga binata ay nangagpapasan #Huk. 16:21. ng gilingan,
At ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
14Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan.
Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
15Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat;
Ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
16Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo:
Sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
17Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay;
Dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
18Dahil sa bundok ng Sion na nasira;
Nilalakaran ng mga zora.
19Ikaw, Oh Panginoon, #Awit 9:7; 102:12; Hab. 1:12. nananatili magpakailan man:
#
Awit 45:6. Ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
20Bakit mo kami nililimot #Awit 13:1. magpakailan man,
At pinababayaan mo kaming totoong malaon?
21Manumbalik ka sa amin, #Awit 80:3, 7, 19; Jer. 31:18. Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik:
Baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22Nguni't itinakuwil mo kaming lubos,
Ikaw ay totoong napoot sa amin.
Kasalukuyang Napili:
MGA PANAGHOY 5: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: