LEVITICO 26
26
Pagpapala sa pagsunod ay ipinangako.
1 #
Lev. 19:4; Ex. 20:4, 5. Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
2 #
Lev. 19:30. Inyong ipangingilin ang aking mga sabbath, at inyong igagalang ang aking santuario: ako ang Panginoon.
3 #
Deut. 11:13, 15. Kung lalakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan at iingatan ninyo ang aking mga utos, at inyong tutuparin:
4 #
Ezek. 34:26; Joel 2:23, 24. Ay maglalagpak nga ako ng ulan sa kapanahunan, #Awit 67:6; 85:12.at ang lupain ay pakikinabangan, at ang mga kahoy sa parang ay magbubunga.
5At ang inyong #Amos 9:13.paggiik ay aabot hanggang sa pagaani ng mga ubas, at ang pagaani ng ubas ay aabot sa paghahasik: #Lev. 25:19.at kakanin ninyo ang inyong pagkain na sagana, at tatahan kayong tiwasay sa inyong lupain.
6 #
Awit 3:5; 4:8. At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, #Job 11:19.at walang katatakutan kayo: #Ezek. 5:17; 14:15.at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, #Ezek. 14:17.ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak.
7At hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway, at mangabubuwal sa harap ninyo sa tabak.
8 #
Deut. 32:30; Jos. 23:10. At lima sa inyo'y hahabol sa isang daan, at isang daan sa inyo'y hahabol sa sangpung libo: at ang inyong mga kaaway ay mangabubuwal sa tabak sa harap ninyo.
9 #
2 Hari 13:23. At lilingapin ko kayo, #Gen. 16:6, 7.at palalaguin ko kayo, at pararamihin ko kayo; at papagtitibayin ko ang aking tipan sa inyo.
10 #
Lev. 25:22. At kakanin ninyo ang malaong kinamalig, at inyong ilalabas ang luma dahil sa bago.
11 #
Ezek. 37:26, 28; Apoc. 21:3. At ilalagay ko ang aking tabernakulo sa gitna ninyo: at hindi ko kayo kapopootan.
12At #Ex. 29:45; 2 Cor. 6:16.lalakad ako sa gitna ninyo at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan.
13 #
Lev. 25:38. Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang huwag kayong maging mga alipin nila; at sinira ko ang mga kahoy ng inyong pamatok, at pinalakad ko kayo ng mga ulong matuwid.
Ang parusa sa pagsuway ay ibinabala.
14 #
Deut. 28:15-68. Nguni't kung hindi ninyo pakikinggan ako, at hindi ninyo tutuparin ang lahat ng mga utos na ito;
15At kung inyong tatanggihan ang aking mga palatuntunan, at kasusuklaman nga ninyo ang aking mga hatol, na anopa't hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos, kundi inyong sisirain ang aking tipan;
16Ay gagawin ko naman ito sa inyo; ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak, at #Deut. 28:22.pagkatuyo, at ang lagnat #Deut. 28:65; 1 Sam. 2:33.na uubos sa mga mata, at magpapalupaypay sa kaluluwa: #Job 11:19.at maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan, sapagka't kakanin ng inyong mga kaaway.
17 #
Lev. 17:10. At itititig ko ang aking mukha laban sa inyo, #Deut. 28:25.at kayo'y masasaktan sa harap ng inyong mga kaaway: #Awit 106:41.kayo'y pagpupunuan ng mga napopoot sa inyo; #Kaw. 28:1.at kayo'y tatakas nang walang humahabol sa inyo.
18At kung sa mga bagay na ito man ay hindi ninyo ako pakinggan, ay #1 Sam. 2:5.parurusahan ko kayong makapito pa, dahil sa inyong mga kasalanan.
19At sisirain ko ang kahambugan ng inyong kapangyarihan; #Deut. 28:23.at gagawin kong parang bakal ang inyong langit at parang tanso ang inyong lupa:
20 #
Awit 127:1. At gugugulin ninyo ang inyong kalakasan ng walang kabuluhan; #tal. 4.sapagka't hindi ibibigay sa inyo ng inyong lupain ang kaniyang bunga ni ng kahoy sa parang ang kaniyang bunga.
21At kung kayo'y sasalangsang sa akin, at hindi ninyo ako didinggin; ay dadalhan ko kayo ng makapito ang higit ng salot ayon sa inyong mga kasalanan.
22At susuguin ko sa inyo ang mga halimaw sa parang, ng samsaman kayo ng inyong mga anak, at #tal. 6; Deut. 32:24.papatayin ang inyong mga hayop, at kayo'y pakakauntiin sa bilang; #Huk. 5:6; 2 Cron. 15:5; Is. 33:8.at mangungulila ang inyong mga lakad.
23 #
Jer. 2:30; 5:3. At kung sa mga bagay mang ito ay hindi pa kayo magbago sa akin, kundi sasalangsang kayo sa akin:
24 #
Awit 18:26. At lalakad din naman ako ng laban sa inyo, at sasaktan ko kayo, ng makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan:
25 #
Ezek. 6:3. At pararatingin ko sa inyo ang tabak na gaganap ng higanti ng tipan; at kayo'y matitipon sa loob ng inyong mga bayan: #Blg. 14:12; Deut. 28:21; Jer. 14:12.at pararatingin ko ang salot sa gitna ninyo; at kayo'y mabibigay sa kamay ng kaaway.
26 #
Awit 105:16; Is. 3:1. Pagka masisira ko ang tungkod ninyong tinapay, ang sangpung babae ay magluluto ng inyong tinapay sa isa lamang hurno, at sa inyo'y isasauli sa timbang ang inyong tinapay: #Is. 9:20; Mik. 6:14; Hag. 1:6.at kayo'y kakain at hindi kayo mangabubusog.
27At kung sa lahat ng ito ay hindi ninyo ako pakikinggan, kundi kayo'y sasalangsang sa akin;
28 #
Is. 63:3; Ezek. 5:13. Ay sasalangsang ako sa inyo na may kapusukan; at parurusahan ko kayong makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan.
29 #
Deut. 28:53; 2 Hari 6:29. At kakanin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalake, at ang mga laman ng inyong mga anak na babae ay inyong kakanin.
30 #
2 Cron. 34:3, 4, 7. At sisirain ko ang inyong matataas na dako, at aking wawasakin ang inyong mga larawang araw, #2 Hari 23:20.at itatapon ko ang inyong mga bangkay sa mga katawan ng inyong mga diosdiosan; at kapopootan kayo ng aking kaluluwa.
31 #
Neh. 2:3; Ezek. 6:6. At gagawin kong giba ang inyong mga bayan, #Awit 74:7; A. ng A. 1:10; Ezek. 9:6.at gigibain ko ang inyong mga santuario, at hindi ko na sasamyuin ang amoy ng inyong mga may amoy na masarap.
32 #
Jer. 9:11; 25:11, 18. At gagawin kong ilang ang lupain: #1 Hari 9:8.at pagtatakhan ng inyong mga kaaway na tumatahan doon.
33 #
Deut. 4:27; Awit 44:11; Jer. 9:16; Ezek. 12:15. At kayo'y aking pangangalatin sa mga bansa, at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo: at ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga bayan ay magiging sira.
34 #
2 Cron. 36:21. Kung magkagayo'y magagalak ang lupain sa kaniyang mga sabbath, habang nahahandusay na sira, at kayo'y mapapasa lupain ng inyong mga kaaway; ang lupain nga ay magpapahinga, at magagalak sa kaniyang mga sabbath.
35Habang nahahandusay na sira ay magkakaroon ng kapahingahan, #Lev. 25:2.sa makatuwid baga'y ang hindi ipinagpahinga sa inyong mga sabbath, nang kayo'y nagsisitahan doon.
36At tungkol sa mga matitira sa inyo, #Ezek. 21:7, 12, 15.ay sisidlan ko ng takot sa kanilang puso, sa mga lupain ng kaniyang mga kaaway: #Job 15:21.at hahabulin sila ng kalatis ng isang dahong nalalaglag; at sila'y tatakas na parang tumatakas sa tabak; at sila'y mabubuwal nang walang humahabol sa kanila.
37 #
Is. 10:4. At mangagkakatisuran sila na parang nasa harap ng tabak, kahit walang humahabol: #Jos. 7:12, 13.at hindi kayo makatatayo sa harap ng inyong mga kaaway.
38At mamamatay kayo sa gitna ng mga bansa, at sasakmalin kayo ng lupain ng inyong mga kaaway.
39 #
Ezek. 4:17. At ang mga matitira sa inyo ay magsisipanglupaypay sa kanilang kasamaan sa mga lupain ng inyong mga kaaway; at sa mga kasamaan naman ng kanilang mga magulang ay magsisipanglupaypay na kasama nila.
Habag ay ipinangako sa mapagtiis.
40 #
Blg. 5:7; 1 Hari 8:33, 35; Neh. 9:2; Kaw. 28:13; Dan. 9:4; Luc. 15:18; 1 Juan 1:9. At kanilang isasaysay ang kanilang kasamaan, at ang kasamaan ng kanilang mga magulang, sa ang kanilang pagsalangsang na isinalangsang laban sa akin, sapagka't sila'y lumakad naman ng laban sa akin.
41Ako naman ay lumakad ng laban sa kanila, at sila'y aking dinala sa lupain ng kanilang mga kaaway: kung #1 Hari 21:29; 2 Cron. 12:6, 7, 12; 32:26; 33:11, 12. magpapakababa nga ang kanilang mga pusong hindi tuli, at kanilang tatanggapin ang parusa sa kanilang kasamaan;
42 #
Ex. 2:24; 6:5; Awit 106:45. Ay aalalahanin ko nga ang aking tipan kay Jacob; at ang akin ding tipan kay Isaac, at gayon din ang aking tipan kay Abraham ay aking aalalahanin; at aking aalalahanin ang lupain.
43 # tal. 34, 35. Ang lupain naman ay pababayaan nila, at magagalak sa kaniyang mga sabbath, samantalang nahahandusay na sira na wala sila; at kanilang tatanggapin ang kaparusahan ng kanilang kasamaan: #tal. 15:44.sapagka't kanilang tinanggihan ang aking mga hatol, at kinapootan ng kanilang kaluluwa ang aking mga palatuntunan.
44At sa lahat mang ito, pagka sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay #Deut. 4:31; 2 Hari 13:23; Rom. 11:2, 26, 28.hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila na sila'y aking lubos na lilipulin, #tal. 15.at aking sisirain ang aking tipan sa kanila: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios:
45Kundi aalalahanin ko alangalang sa kanila ang tipan ng kanilang mga magulang, #Lev. 22:33.na aking inilabas sa lupain ng Egipto, #Awit 98:2; Ezek. 20:9, 14, 22.sa paningin ng mga bansa, upang ako'y maging kanilang Dios: ako ang Panginoon.
46 #
Lev. 27:34; Deut. 6:1; 12:1. Ito ang mga palatuntunan at ang mga hatol at ang mga kautusang ginawa ng Panginoon sa kaniyang sarili at sa mga anak ni Israel #Lev. 25:1.sa bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.
Kasalukuyang Napili:
LEVITICO 26: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: