Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 16

16
1At #Mat. 28:1-8; Luc. 24:1-10. nang makaraan ang sabbath, #Juan 20:1. si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at #Mar. 15:40. si Salome, #Luc. 23:56; 24:1; Juan 19:40. ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran.
2At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.
3At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan?
4At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na #Mar. 15:46. ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.
5At pagkapasok sa libingan, ay #Luc. 24:3, 4; Juan 20:11-12. kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla.
6At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!
7Datapuwa't magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay #Mar. 14:29, 31, 37, 72. Pedro, Siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea: doon siya makikita, #Mat. 26:32; Mar. 14:28. ayon sa sinabi niya sa inyo.
8At sila'y nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagka't sila'y nagsipangilabot at nangagitla: #tal. 10; Luc. 24:9. at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagka't sila'y nangatatakot.
9Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio #Luc. 8:2. ang pinalabas niya.
10Siya'y yumaon at #Mat. 28:10; Luc. 24:10; Juan 20:18. ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis.
11At sila, nang kanilang mabalitaan na siya'y nabuhay, at nakita ni Magdalena, ay #Luc. 24:11, 25. hindi sila nagsipaniwala.
12At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo #Luc. 24:13. sa dalawa sa kanila, nang sila'y nangaglalakad na patungo sa bukid.
13At sila'y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba: at #Luc. 24:33-35. kahit sa kanila'y hindi rin sila nagsipaniwala.
14At pagkatapos #Luc. 24:36; Juan 20:10. siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, #tal. 11, 13. sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon.
15At sinabi niya sa kanila, #Mat. 28:19. Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
16 # Juan 3:18, 36. Ang sumasampalataya at #Mat. 28:19. mabautismuhan ay maliligtas; #Juan 3:18, 19; 12:48. datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
17At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio #Gawa 5:16; 8:7; 16:18; 19:12. sa aking pangalan; #Gawa 2:4. mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
18 # Gawa 28:3-5. Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; #Gawa 9:12, 17. ipapatong nila ang kanilang mga kamay #Gawa 5:15, 16; 28:8. sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.
19Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay #Luc. 24:51; Gawa 1:2. tinanggap sa itaas ng langit, at #Awit 110:1. lumuklok sa kanan ng Dios.
20At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga #Gawa 5:12; 14:3; Heb. 2:4. tandang kalakip. Siya nawa.

Kasalukuyang Napili:

MARCOS 16: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in