Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 6:20-24

MGA KAWIKAAN 6:20-24 ABTAG

Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina: Ikintal mong lagi sa iyong puso, Itali mo sa iyong leeg. Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo. Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; At ang mga saway na turo ay daan ng buhay: Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.