Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 103

103
Awit ni David.
1Purihin mo ang Panginoon, #tal. 2:22; Awit 104:1, 35; 146:1. Oh kaluluwa ko:
At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
2Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,
At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
3 # Awit 130:8; Is. 33:24. Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;
# Ex. 15:26. Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
4 # Awit 56:13. Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:
Na siyang nagpuputong sa iyo ng #Awit 5:12. kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
5Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;
Na anopa't ang #Is. 40:31. iyong kabataan ay nababagong parang agila.
6 # Awit 146:7. Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,
At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
7Kaniyang ipinabatid ang #Awit 147:19, 20. kaniyang mga daan kay Moises,
Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
8Ang Panginoon ay puspos #Ex. 34:6, 7; Awit 86:15. ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
9 # Awit 30:5; Is. 57:16. Hindi siya makikipagkaalit na palagi;
Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 # Ezra 9:13. Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,
Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
11 # Awit 57:10. Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob #Luc. 1:50. sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 # Mal. 3:17. Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;
# Awit 78:39. Kaniyang inaalaala na #Gen. 3:19. tayo'y alabok.
15Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:
Kung paanong namumukadkad ang #Awit 90:5, 6; Is. 40:6. bulaklak sa parang ay gayon siya.
16Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;
At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
17Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,
At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa #Ex. 20:6. mga anak ng mga anak;
18Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,
At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19Itinatag ng Panginoon ang #Awit 11:6. kaniyang luklukan sa mga langit;
At ang #Dan. 4:25, 34, 35. kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
20 # Awit 148:2. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
# Awit 104:4; Dan. 7:9, 10. Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 # Awit 145:19. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
# tal. 1, 2. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 103: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in