MGA AWIT 109
109
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1Huwag kang mapayapa, #Awit 28:1. Oh Dios na aking kapurihan;
2Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
3Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin #Awit 35:7, 19; Juan 15:25. ng walang kadahilanan.
4Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
5At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
6 # Hanggang tal. 15; Awit 35:4-8; 69:22, 28. Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang #Zac. 3:1. kaaway sa kaniyang kanan.
7 #
Awit 1:5. Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang #Kaw. 28:9. kaniyang dalangin.
8 #
Gawa 1:20. Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9 #
Ex. 22:24. Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 #
Awit 59:15. Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga #Is. 5:17. taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13Mahiwalay nawa ang #Awit 21:10. kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 #
Ex. 20:5. Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay #Awit 34:16. niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang #Awit 86:1. dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 #
Ex. 35:6. Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 #
Awit 73:6. Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, #Awit 25:11. alang-alang sa iyong pangalan:
#
Awit 69:16. Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23Ako'y yumayaong #Job 14:2; Awit 102:11. gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24Ang aking mga #Heb. 12:12. tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25Ako nama'y naging #Awit 22:6, 7. kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang #Mat. 27:39. pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 #
Awit 119:86. Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay #Is. 65:14. magagalak.
29 #
Awit 71:13. Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin #Awit 22:25. siya sa gitna ng karamihan.
31Sapagka't #Awit 16:8. siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan,
Upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 109: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: