Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 132

132
Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.
1Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
2Kung paanong #Awit 65:1. sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa #Gen. 49:24. Makapangyarihan ni Jacob:
3Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
4 # Kaw. 6:4. Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
5 # Gawa 7:46. Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
6Narito, #1 Sam. 17:12. narinig namin #1 Sam. 7:1. sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
7Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
8 # 2 Cron. 6:41, 42. Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
9 # Job 27:14. Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng #tal. 17; 1 Hari 1:39. iyong pinahiran ng langis.
11Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
# 2 Sam. 7:12; 2 Cron. 6:16; Luc. 1:32, 69; Gawa 2:30. Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako #Mat. 23:21. tatahan; sapagka't aking ninasa.
15Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 # tal. 9. Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 # Luc. 1:69. Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking #tal. 10. pinahiran ng langis.
18Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 132: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in