Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 136

136
Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.
1Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; #1 Cron. 16:34; Awit 118:1. sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 # Deut. 10:17. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4Sa kaniya na #Awit 72:18. gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 # Awit 104:24; Kaw. 3:19. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
6 # Gen. 1:6; Is. 42:5; 44:24; Jer. 10:12. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
7 # Gen. 1:14. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
8Ng araw upang magpuno sa araw:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
9Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10 # Ex. 12:29; Awit 78:51. Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 # Ex. 12:51; 13:3, 17. At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12 # Deut. 4:34. Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13 # Ex. 14:21, 22. Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15 # Ex. 14:28. Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16 # Ex. 15:22. Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17 # Hanggang tal. 22; Awit 135:10-12. Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18 # Deut. 29:7. At pumatay sa mga bantog na hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19 # Blg. 31:21, 24. Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20 # Blg. 21:33, 35. At kay Og na hari sa Basan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21 # Jos. 12:7. At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na #Awit 69:36. kaniyang lingkod:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23 # Gen. 8:1; Deut. 32:36. Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
25 # Awit 104:27. Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
26Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 136: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in