Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 30

30
Salmo; Awit sa Pagtatalaga ng Bahay: Awit ni David.
1Dadakilain kita, Oh #Blg. 7:10. Panginoon; sapagka't itinindig mo ako,
At hindi mo #Awit 25:2. pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.
2Oh Panginoon kong Dios,
Dumaing ako sa iyo, at #Awit 6:2. ako'y pinagaling mo.
3Oh Panginoon, #Awit 86:13. iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:
Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong #Awit 28:1. bumaba sa hukay.
4 # 1 Cron. 16:4; Awit 97:12. Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,
At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
5Sapagka't ang kaniyang galit ay #Awit 103:9; Is. 26:20; 54:7, 8. sangdali lamang;
# Awit 63:3. Ang kaniyang paglingap ay habang buhay:
# Awit 126:5. Pagiyak ay magtatagal ng magdamag,
Nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
6Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:
Hindi ako makikilos kailan man.
7Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:
# Awit 104:29. Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.
8Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
9Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay?
# Awit 6:5. Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
10Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin:
Panginoon, maging saklolo nawa kita.
11 # 2 Sam. 6:14; Jer. 31:4, 13; Panag. 5:15. Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;
Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
12Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na #Awit 16:9; 57:8. pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:
Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 30: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in