Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 32

32
Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.
1Mapalad #Rom. 4:7, 8. siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
2Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng #2 Cor. 5:19. Panginoon,
At #Juan 1:47. walang pagdaraya ang diwa niya.
3Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang #Awit 102:3. aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
4Sapagka't araw at gabi ay #1 Sam. 5:6, 11; Awit 38:2. mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5Aking kinilala ang #Awit 51:3. aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, #Kaw. 28:13; Luc. 15:18, 21; 1 Juan 1:9. Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa #Awit 69:13. panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7 # Awit 9:9. Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
8 # Awit 73:24. Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9 # Awit 33:18, 22. Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:
# Sant. 3:3. Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 # Kaw. 13:21; Rom. 2:9. Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:
Nguni't #Awit 34:8; Kaw. 16:20; Jer. 17:7. siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 # Awit 24:10; 68:3. Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 32: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in