MGA AWIT 43:1-5
MGA AWIT 43:1-5 ABTAG
Hatulan mo ako, Oh Dios, at ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa: Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao. Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako itinakuwil? Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway? Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako: Dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok. At sa iyong mga tabernakulo. Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios, Sa Dios na aking malabis na kagalakan: At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, Na siyangkagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

