Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 54

54
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David: nang ang mga #1 Sam. 23:19; 26:1. Zipheo ay dumating at magsabi kay Saul, Hindi ba nagtatago si David doon sa amin?
1Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.
At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.
2Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
3Sapagka't #Awit 86:14. ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,
At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)
4Narito, ang Dios ay aking katulong:
# Awit 118:7. Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.
5Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:
# Awit 89:49. Gibain mo sila sa iyong katotohanan.
6 # Blg. 15:3; Awit 51:12; Os. 14:4. Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog:
Ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, #Awit 52:9. sapagka't mabuti.
7Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;
# Awit 59:10; 92:11. At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 54: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in