Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 82

82
Awit ni Asaph.
1Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
2Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At #Deut. 1:17. magsisigalang sa mga pagkatao #Kaw. 18:5. ng masama? (Selah)
3Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
4Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
5Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
# Kaw. 2:13. Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman:
# Awit 11:3. Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
6 # Juan 10:34. Aking sinabi, Kayo'y mga dios,
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
7Gayon ma'y mangamamatay kayong #Job 21:32; Awit 49:12. parang mga tao,
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
8Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
# Awit 2:8; Apoc. 11:15. Sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 82: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in