MGA AWIT 90
90
IKAAPAT NA AKLAT
Dalangin ni Moises na lalake ng Dios.
1 #
Deut. 33:1. Panginoon, #Deut. 33:27. ikaw ay naging tahanang dako namin
Sa lahat ng sali't saling lahi.
2 #
Kaw. 8:25, 26. Bago nalabas ang mga bundok,
O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan,
Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
3Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao;
At iyong sinasabi, #Gen. 3:19; Ec. 12:7. Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
4 #
2 Ped. 3:8. Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin
Ay parang kahapon lamang nang makaraan,
At parang pagpupuyat sa gabi.
5Iyong dinadala sila na parang baha; #Awit 73:20. sila'y parang pagkakatulog:
Sa kinaumagahan ay #Is. 40:6, 7. parang damo sila na tumutubo.
6 #
Job 14:2. Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago;
Sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
7Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit,
At sa iyong poot ay nangabagabag kami.
8 #
Jer. 16:17. Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo,
#
Job 34:32; Awit 19:12. Ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
9Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot:
Aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
10Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon,
O kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon;
Gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang;
Sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
11Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit,
At ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
12 #
Awit 39:4. Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan,
Upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
13 #
Awit 6:4. Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa?
At #Deut. 32:36; Awit 106:45; 135:14. iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
14Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob;
Upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
15Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin,
At sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
16 #
Hab. 3:2. Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod,
At ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 #
Awit 27:4. At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios:
At #Is. 26:12. iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 90: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: