Ang Mangangaral 7
7
Patungkol sa Buhay
1Ang#Kaw. 22:1. mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango;
at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan.
2Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan
kaysa bahay na may handaan,
pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay.
3Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa katuwaan,
pagkat maaaring malungkot ang mukha ngunit masaya ang kalooban.
4Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan,
ngunit matalino ang isang taong naghahanda para sa kanyang kamatayan.
5Mas mabuting makarinig ng saway ng matalino
kaysa isang mangmang ang pupuri sa iyo.
6Ang halakhak ng mangmang
ay tulad ng siklab ng apoy,
walang kabuluhan.#6 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan.
7Ang matalinong nandadaya ay para na ring mangmang.
Ang suhol ay sumisira sa dangal ng tao.
8Ang wakas ng isang bagay ay mas mainam kaysa pasimula.
Ang pagtitiyaga ay mabuti kaysa kapalaluan.
9Pag-aralan#San. 1:19. mong magpigil sa sarili;
mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.
10Huwag mong itatanong kung bakit mabuti noong araw kaysa ngayon,
pagkat iya'y tanong na walang katuturan.
11Ang taong nagtataglay ng karunungan ay higit na mainam kaysa minamanang kayamanan.
12Ang tulong na magagawa ng karunungan sa tao ay tulad ng magagawa ng salapi.
Ang tao'y maililigtas ng kanyang karunungan, at ito ang kabutihan ng kaalaman.
13Pag-isipan mong mabuti ang ginawa ng Diyos. Sino ang makapagtutuwid sa binaluktot niya? 14Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?
15Sa loob ng maikling panahon ng aking pamumuhay, nakita ko ang lahat ng bagay. Nakita kong ang tao'y namamatay kahit siya mabuti, at may masamang nabubuhay nang matagal. 16Huwag kayong magpapakabuti o magpapakatalino nang labis. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? 17Ngunit huwag ka rin namang magpapakasama ni magpapakamangmang at baka mamatay ka nang wala sa panahon. 18Huwag kang magpapakalabis ng kabutihan o kasamaan. Sa anumang kalagayan mo, magtatagumpay ka kung may takot ka sa Diyos.
19Higit ang magagawa ng karunungan ng isang tao, kaysa magagawa ng sampung hari sa isang lunsod.
20Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
21Huwag mong pakinggan ang lahat ng sasabihin sa iyo ng tao at baka kalaunan ay mismong alila mo ang humamak sa iyo; 22sapagkat alam mo sa iyong sarili kung gaano na karami ang iyong hinamak.
23Sa lahat ng bagay ay sinubok ko ang karunungan sa pag-aakalang ako'y matalino ngunit napatunayan kong hindi pala. 24Hindi natin matatarok ang kahulugan ng buhay. Napakahiwaga nito para natin maunawaan. 25Gayunpama'y nagpatuloy ako sa pagdidili-dili. Nagsuri akong mabuti at mataman kong siniyasat ang dahilan ng lahat ng bagay. Nalaman kong kamangmangan ang magpakasama at walang kabuluhan#25 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan. ang magpakamangmang. 26Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama. 27Sinabi ng Mangangaral, “Pinag-ugnay-ugnay ko ang lahat ng bagay at ito ang aking natuklasan. 28Pagkatapos ng mataman ngunit bigong pagsisiyasat, natuklasan kong sa 1,000 lalaki, isa lamang ang matalino, at sa 1,000 babae, walang matalino kahit isa. 29Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”
Kasalukuyang Napili:
Ang Mangangaral 7: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: