Job 21
21
Pinatunayan ni Job na Masagana ang Buhay ng Masama
1Ang sagot ni Job,
2“Pakinggan ninyong mabuti itong aking sasabihin;
ituturing ko nang ito'y pag-aliw sa akin.
3Ako muna'y inyong pagsalitain,
at pagkatapos nito, saka na ninyo laitin.
4“Di laban sa tao itong aking hinanakit,
may sapat akong dahilan, kung bakit hindi makatiis.
5Tingnan ninyo ang hitsura ko, hindi pa ba ito sapat
upang tumahimik na kayo at walang salitang mabigkas?
6Tuwing iisipin ko itong sinapit ko,
ako'y nanginginig at nanlulumo.
7Bakit kaya ang masama'y hinahayaan pang mabuhay,
tumatanda pa at nagtatagumpay?
8Mayroon silang mga anak at mga apo,
naabutan pa nila ang paglaki ng mga ito.
9Hindi pinipinsala ang kanilang mga tahanan;
parusa ng Diyos ay di nila nararanasan.
10Ang pagdami ng kanilang mga hayop ay mabilis,
ang inahin nilang baka'y nasa ayos kung magbuntis.
11Ang kanilang mga anak ay naghahabulan, parang tupang naglalaro at mayroon pang sayawan.
12Umaawit sa saliw ng tamburin at lira, umiindak, nagsasayaw sa tunog ng mga plauta.
13Ang buong buhay nila'y puspos ng kasaganaan;
at mapayapa ang kanilang pagharap sa kamatayan.
14“Sinasabi nila sa Diyos, ‘Huwag mo kaming pakialaman.
Ayaw naming alamin ang iyong kalooban!
15Sino ba ang Makapangyarihang Diyos upang sambahin namin?
At ano bang mapapala kung sa kanya'y mananalangin?’
16Ang akala nila, sa sariling lakas galing ang tagumpay,
ngunit di ako sang-ayon sa kanilang palagay.
17“Ilawan ba ng masama'y pinatay nang minsan?
Sila ba ay dumanas ng matinding kahirapan,
at ang parusa ng Diyos, sa kanila ba'y ipinataw?
18Itinulad ba sa dayaming nililipad nitong hangin
o ipang walang laman, tinatangay sa papawirin?
19“Sinasabi ninyong ang anak ay pinaparusahan dahil sa sala ng kanyang magulang.
Parusahan sana ng Diyos ang mismong may kasalanan!
20Sa gayo'y mararanasan nila ang kahirapang sasapitin;
sa parusa ng Makapangyarihang Diyos, sila ang pagdanasin.
21Kapag ang isang tao'y binawian ng buhay,
ano pang pakialam niya sa pamilyang naiwan?
22Sinong makakapagturo ng dapat gawin ng Diyos,
na siyang humahatol sa buong sansinukob?
23“May taong namamatay sa gitna ng kasaganaan,
panatag ang katayuan, maginhawa ang kabuhayan.
24Katawan niya ay malusog,
at malalakas ang tuhod.
25Mayroon namang namamatay sa kahirapan,
ni hindi nakalasap kahit kaunting kaligayahan.
26Ngunit pareho silang sa alabok nahihimlay,
at kapwa inuuod ang kanilang katawan.
27“Alam ko kung ano ang binabalak ninyong gawin
at ang masamang iniisip ninyo laban sa akin.
28Tiyak na itatanong ninyo kung nasaan ang tahanan
ng taong namuhay sa kasamaan.
29“Hindi ba ninyo naitatanong sa mga manlalakbay,
mga ulat nila'y hindi ba ninyo pinaniniwalaan?
30Sa panahon ng kahirapan at kasawiang-palad,
di ba't ang masama ay laging naliligtas?
31Sa kanyang kasamaa'y walang nagpapamukha,
walang naniningil sa masama niyang gawa.
32Kapag siya ay namatay at inihatid na sa hukay,
maraming nagbabantay sa kanyang libingan.
33Napakaraming sa kanya'y maghahatid sa libing,
pati lupang hihigan niya, sa kanya ay malambing.
34Ngunit pang-aaliw ninyo'y walang kabuluhan,
pagkat lahat ng sagot ninyo'y pawang kasinungalingan!”
Kasalukuyang Napili:
Job 21: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: