Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay. Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan. Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak. Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas. Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan. Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal. Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay. “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw. Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang. “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalam kung saan naroroon ang tunay na karunungan. Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit. Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat, ang karagatan ay itinakda niya ang sukat. Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan, at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan. Dito niya nakita at sinubok ang karunungan, kanyang itinatag at binigyang kahalagahan. “At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’”
Basahin Job 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 28:12-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas