Job 34
34
Ipinagtanggol ni Elihu ang Diyos
1Sinabi pa ni Elihu,
2“Makinig kayo, matatalinong tao,
itong sinasabi ko ay pakinggan ninyo.
3Tulad ng masarap na pagkaing inyong natikman,
salita ng karunungan, nawa'y inyong pakinggan.
4Atin ngang talakayin itong usapin,
kung ano ang tama ay ating alamin.
5Ayon dito kay Job ay wala siyang sala,
at katarungan ay ipinagkakait daw sa kanya.
6Bagama't matuwid itinuring na sinungaling siya,
at tinadtad ng sugat kahit na walang sala.
7“May nakita na ba kayong tulad nitong si Job?
Kaunti man ay wala siyang paggalang sa Diyos.
8Panay na masama ang kanyang kasamahan,
nakikisama siya sa mga makasalanan.
9Sinabi niya na walang mabuting idudulot
ang paglakad at pagsunod sa nais ng Diyos.
10“Makinig kayo sa akin, mga taong magagaling,
ang Makapangyarihang Diyos ba'y maaakay sa masamang gawain?
11Ginagantimpalaan#Awit 62:12. niya ang tao ayon sa gawa,
ang iginagawad sa kanila ay iyon lamang tama.
12Hindi gumagawa ng masama ang Diyos na Makapangyarihan,
hindi niya kailanman binabaluktot ang katarungan.
13May nagbigay ba sa Diyos ng kapangyarihan?
At sinong naghabilin sa kanya nitong sanlibutan?
14-15Kapag binawi ng Diyos ang hininga ng tao,
sila'y mamamatay at sa alabok ang kanilang tungo.
16“Kung matalino kayo, pakinggan ninyo ito.
17Hindi ba ang Diyos ay makatarungan,
bakit hinahatulan siya na parang makasalanan?
18Sa mga hari, siya ang nagpaparusa,
kung sila'y masama at walang halaga.
19Siya ang lumikha sa sangkatauhan,
kaya walang itinatangi, mahirap man o mayaman.
20Sa isang kisap-mata, ang tao'y mamamatay,
ang hampasin ng Diyos, bigla na lamang papanaw
kahit siya'y malakas o makapangyarihan.
21Bawat kilos ng tao'y tinitingnan niya,
ang bawat hakbang nito'y di lingid sa kanya.
22Walang sapat na kadiliman
ang mapagtataguan ng mga makasalanan.
23Hindi na kailangan ng Diyos na magtakda ng panahon,
upang ang tao'y lumapit sa kanya at gawaran ng hatol.
24Hindi na rin kailangang siya'y mag-imbestiga,
upang mga pinuno'y alisin at palitan ng iba.
25Sapagkat alam niya ang kanilang mga gawain,
sa gitna ng dilim, sila'y kanyang wawasakin.
26Pinaparusahan niya ang masasama nang nakikita ng madla,
27sapagkat ang kanyang mga utos ay nilalabag nila.
28Dahil sa masasama, ang mahihirap ay humihibik
kaya't sa daing nila ang Diyos ay nakikinig.
29“Kung ipasya ng Diyos na huwag kumibo,
walang maaaring sa kanya'y magreklamo.
Kung kanyang talikuran ang sangnilikha, ang tao kaya ay may magagawa?
30Walang magagawa ang alinmang bansa
upang makaiwas sa pinunong masasama.
31“Job, inamin mo na ba sa Diyos ang iyong kasalanan,
nangako ka na bang titigil sa kasamaan?
32Hiniling mo na bang sa iyo'y ipaunawa ang lahat ng iyong masasamang gawa?
Nangako ka na bang titigil na nga sa gawang di tama?
33Sapagkat sa Diyos ikaw ay lumalaban,
ibibigay kaya niya ang iyong kailangan?
Ikaw ang magsabi ng iyong kapasyahan,
sabihin mong lahat ang iyong nalalaman.
34“Ang taong mayroong taglay na talino
na makarinig sa aki'y magsasabi ng ganito:
35‘Ang salita ni Job ay bunga ng kamangmangan,
at lahat ng sinasabi niya ay walang kabuluhan.’
36Isipin ninyong mabuti ang mga sinasabi niya,
ang mga sagot niya ay sagot ng taong masasama.
37Dinaragdagan pa niya ng paghihimagsik ang kanyang mga kasalanan,
hinahamak niya ang Diyos sa ating harapan.”
Kasalukuyang Napili:
Job 34: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: