Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 76

76
Diyos ang Magtatagumpay
Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.
1Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda,
sa buong Israel, dakilang talaga;
2nasa Jerusalem ang tahanan niya,
sa Bundok ng Zion, doon tumitira.
3Lahat ng sandata ng mga kaaway,
mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah)#3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
4O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringal
higit pa sa matatag na kabundukan.#4 kabundukan: Sa ibang manuskrito'y bundok ng biktima, at sa iba pang manuskrito'y walang hanggang kabundukan.
5Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam;
nahihimbing sila at nakahandusay,
mga lakas nila, lahat ay pumanaw.
6Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob,
sakay at kabayo'y pawang nangalugmok.
7Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan!
Sino ang tatayo sa iyong harapan
kapag nagalit ka sa mga kinapal?
8Sa iyong paghatol na mula sa langit,
ang lahat sa mundo'y takot at tahimik.
9Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis,
naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah)#9 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
10Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo.
Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang.
11Mga pangako mo kay Yahweh, iyong Diyos, ay iyong tuparin nang tapat sa loob;
dapat na magdala ng mga kaloob ang lahat ng bansa sa iyong palibot.
12Hambog na prinsipe ay ibinababâ,
tinatakot niya hari mang dakila.

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 76: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in