Ang Awit ni Solomon 2
2
1Isa lamang akong rosas na sa Saron ay naligaw
sa libis nitong bundok, isang ligaw na halaman.
Mangingibig:
2Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan,
namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang.
Babae:
3Sa gitna ng kagubatan katulad niya ay mansanas,
sa lahat ng mga tao, siya'y walang makatulad;
ako'y laging nananabik sa lilim niya'y manatili,
ang tamis ng bunga niya kung kanin ko'y anong sarap.
4Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag,
sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat.
5Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas,
at magiliw na binusog ng matamis na mansanas;
dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas.
6Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan,
habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
7Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,
sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin,
ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
Ang Ikalawang Awit
Babae:
8Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,
mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig.
9Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa,
mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.
Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,
sumisilip sa bintana upang ako ay makita.
10Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi:
Mangingibig:
Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
11Lumipas na ang taglamig sa buong lupain
at ang tag-ulan ay natapos na rin.
12Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad,
ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,
sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit.
13Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga,
at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na.
Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
14Ika'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan,
halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan,
at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.
15Asong-gubat ay hulihin, maninira ng ubasan,
baka pumasok sa ating namumulaklak na ubasan.
Babae:
16Mangingibig ko ay akin at ako nama'y kanya,
sa gitna ng mga liryo, kumakain ang kawan niya.
17Hanggang dilim ay maparam, ganito ang ginagawa,
sa pag-ihip ng amihang umaga ang siyang badya.
Magbalik ka, aking sinta magmadali ka, aking mahal
tulad ng pagtakbo ng usa sa kaburulan.#17 sa kaburulan: o kaya'y Bundok ng Bether.
Kasalukuyang Napili:
Ang Awit ni Solomon 2: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: