1 Mga Cronica 4:10
1 Mga Cronica 4:10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.
1 Mga Cronica 4:10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nanalangin si Jabez sa Dios ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan para hindi ako masaktan.” At dininig ng Dios ang kanyang kahilingan.
1 Mga Cronica 4:10 Ang Biblia (TLAB)
At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.
1 Mga Cronica 4:10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.
1 Mga Cronica 4:10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)