1 Mga Taga-Corinto 11:1-4
1 Mga Taga-Corinto 11:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo. Ipinagmamalaki ko kayo dahil naaalala ninyo ako at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo. Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang nakakasakop sa bawat lalaki, ang lalaki ang nakakasakop sa kanyang asawa, at ang Diyos naman ang nakakasakop kay Cristo. Ang lalaking nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang may takip ang ulo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya.
1 Mga Taga-Corinto 11:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya nga, tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo. Pinupuri ko kayo dahil lagi ninyo akong inaalala, at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo. Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Dios naman ang ulo ni Cristo. Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Cristo.
1 Mga Taga-Corinto 11:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo. Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at iniingatan ninyong matibay ang mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo. Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios. Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.
1 Mga Taga-Corinto 11:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo. Ipinagmamalaki ko kayo dahil naaalala ninyo ako at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo. Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang nakakasakop sa bawat lalaki, ang lalaki ang nakakasakop sa kanyang asawa, at ang Diyos naman ang nakakasakop kay Cristo. Ang lalaking nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang may takip ang ulo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya.
1 Mga Taga-Corinto 11:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)