1 Mga Taga-Corinto 11:28-29
1 Mga Taga-Corinto 11:28-29 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro. Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
1 Mga Taga-Corinto 11:28-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa. Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili.
1 Mga Taga-Corinto 11:28-29 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom ng inumin. Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili.
1 Mga Taga-Corinto 11:28-29 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro. Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
1 Mga Taga-Corinto 11:28-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)