Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Corinto 11:4-16

1 Mga Taga-Corinto 11:4-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang lalaking nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang may takip ang ulo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya. Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang walang belo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya, para na rin siyang babaing ahít ang ulo. Kung ayaw magbelo ang isang babae, magpaahit na siya ng buhok. Yamang kahiya-hiya sa babae ang magpaahit o magpagupit ng buhok, dapat siyang magbelo. Hindi dapat magbelo ang lalaki dahil siya'y larawan at karangalan ng Diyos. Ngunit ang babae ay karangalan ng lalaki, sapagkat hindi mula sa babae ang lalaki, kundi ang babae ay nagmula sa lalaki. At hindi rin nilalang ang lalaki para sa babae, kundi ang babae ay nilalang para sa lalaki. Alang-alang sa mga anghel, dapat magbelo ang babae bilang tanda na siya'y nasasakop ng kanyang asawa. Gayunman, sa paningin ng Panginoon ay kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din naman ng lalaki ang babae. Kung nagmula man sa lalaki ang babae, ang lalaki nama'y isinisilang ng babae, at mula sa Diyos ang lahat. Kayo na ang humatol, angkop ba sa isang babae ang makitang nananalangin nang walang takip sa ulo? Hindi ba't kalikasan na rin ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa isang lalaki ang magpahaba ng buhok, ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. Ngunit kung may gusto pang makipagtalo tungkol dito, wala akong masasabi kundi ito: sa pagsamba, wala kaming ganoong kaugalian, gayundin ang mga iglesya ng Diyos.

1 Mga Taga-Corinto 11:4-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Cristo. Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo. Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo. Hindi dapat magtakip ng ulo ang lalaki kapag sumasamba dahil siyaʼy larawan at karangalan ng Dios. Ngunit ang babae ang karangalan ng lalaki. Sapagkat hindi naman nilikha ang lalaki mula sa babae, kundi ang babae ang nagmula sa lalaki. At hindi naman nilikha ang lalaki para sa babae, kundi ang babae para sa lalaki. Kaya dapat magtakip ng ulo ang babae upang makita, maging ng mga anghel, na nagpapasakop siya sa kanyang asawa. Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios. Kayo na rin ang magpasya: Kaaya-aya ba na makita ang isang babae na nananalangin nang walang takip sa ulo? Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito. Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Dios ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Dios sa kahit saang lugar.

1 Mga Taga-Corinto 11:4-16 Ang Biblia (TLAB)

Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo. Datapuwa't ang bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan. Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya. Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake. Sapagka't ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake: Sapagka't hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake; Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, dahil sa mga anghel. Gayon man, ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, sa Panginoon. Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios. Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong? Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya? Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip. Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios.

1 Mga Taga-Corinto 11:4-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ang lalaking nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang may takip ang ulo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya. Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang walang belo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya, para na rin siyang babaing ahít ang ulo. Kung ayaw magbelo ang isang babae, magpaahit na siya ng buhok. Yamang kahiya-hiya sa babae ang magpaahit o magpagupit ng buhok, dapat siyang magbelo. Hindi dapat magbelo ang lalaki dahil siya'y larawan at karangalan ng Diyos. Ngunit ang babae ay karangalan ng lalaki, sapagkat hindi mula sa babae ang lalaki, kundi ang babae ay nagmula sa lalaki. At hindi rin nilalang ang lalaki para sa babae, kundi ang babae ay nilalang para sa lalaki. Alang-alang sa mga anghel, dapat magbelo ang babae bilang tanda na siya'y nasasakop ng kanyang asawa. Gayunman, sa paningin ng Panginoon ay kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din naman ng lalaki ang babae. Kung nagmula man sa lalaki ang babae, ang lalaki nama'y isinisilang ng babae, at mula sa Diyos ang lahat. Kayo na ang humatol, angkop ba sa isang babae ang makitang nananalangin nang walang takip sa ulo? Hindi ba't kalikasan na rin ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa isang lalaki ang magpahaba ng buhok, ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. Ngunit kung may gusto pang makipagtalo tungkol dito, wala akong masasabi kundi ito: sa pagsamba, wala kaming ganoong kaugalian, gayundin ang mga iglesya ng Diyos.

1 Mga Taga-Corinto 11:4-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)