1 Mga Taga-Corinto 14:1
1 Mga Taga-Corinto 14:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sikapin ninyong makamtan ang pag-ibig, ngunit sikapin din ninyong makamtan ang mga kaloob na espiritwal, lalo na ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios.
1 Mga Taga-Corinto 14:1 Ang Biblia (TLAB)
Sundin ninyo ang pagibig; gayon ma'y maningas ninyong pakanasain ang mga kaloob na ayon sa espiritu, nguni't lalo na ang kayo'y mangakapanghula.
1 Mga Taga-Corinto 14:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakamithiin ninyo ang pag-ibig! Hangarin ninyo ang mga kaloob na espirituwal, lalung-lalo na ang makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos.