1 Mga Taga-Corinto 2:14
1 Mga Taga-Corinto 2:14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal.
1 Mga Taga-Corinto 2:14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal.
1 Mga Taga-Corinto 2:14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit sa taong hindi pinananahanan ng Espiritu ng Dios, hindi niya tinatanggap ang mga aral mula sa Espiritu, dahil para sa kanya itoʼy kamangmangan. At hindi niya ito nauunawaan, dahil ang mga bagay na itoʼy mauunawaan lamang sa tulong ng Espiritu.
1 Mga Taga-Corinto 2:14 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.
1 Mga Taga-Corinto 2:14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)