1 Mga Taga-Corinto 5:12-13
1 Mga Taga-Corinto 5:12-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
1 Mga Taga-Corinto 5:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.”
1 Mga Taga-Corinto 5:12-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kung sabagay, ano ba ang karapatan nating husgahan ang mga hindi mananampalataya? Ang Dios na ang huhusga sa kanila. Ngunit tungkulin ninyo na husgahan ang mga kapatid kung tama o mali ang kanilang ginagawa, dahil sinasabi ng Kasulatan, “Paalisin ninyo sa inyong grupo ang taong masama.”
1 Mga Taga-Corinto 5:12-13 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
1 Mga Taga-Corinto 5:12-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)