1 Mga Taga-Corinto 6:12
1 Mga Taga-Corinto 6:12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
May magsasabi, “Malaya akong makagagawa ng kahit ano,” ngunit ang sagot ko naman ay “Hindi lahat ng bagay ay nakakabuti”. Maaari ko ring sabihin, “Maaari akong gumawa ng kahit ano,” ngunit hindi ako magpapaalipin sa anumang bagay.
1 Mga Taga-Corinto 6:12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.
1 Mga Taga-Corinto 6:12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Maaaring may magsabi sa inyo ng ganito, “Pwede kong gawin ang kahit ano.” Totoo iyan, ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit pwede kong gawin ang kahit ano, hindi naman ako paaalipin dito.
1 Mga Taga-Corinto 6:12 Ang Biblia (TLAB)
Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.
1 Mga Taga-Corinto 6:12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)