1 Mga Hari 18:43
1 Mga Hari 18:43 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi niya sa kanyang utusan, “Umakyat ka at tanawin mo ang dagat.” Umakyat nga ang utusan at tumanaw sa dagat. “Wala po akong makitang anuman,” wika ng utusan. “Pitong beses mo pang gawin ang sinabi ko,” utos ni Elias.
1 Mga Hari 18:43 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang utusan, “Umakyat ka at tumingin sa dagat.” At sinunod ito ng utusan. Pagbalik niya kay Elias, sinabi niya, “Wala po akong nakikita.” Pitong beses na sinabi ni Elias na bumalik siya at tumingin.
1 Mga Hari 18:43 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, Umahon ka ngayon, tumingin ka sa dakong dagat. At siya'y umahon at tumingin, at nagsabi, Walang anomang bagay. At kaniyang sinabi, Yumaon ka uling makapito.
1 Mga Hari 18:43 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)