1 Pedro 5:5
1 Pedro 5:5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesya. Magpakumbabá kayong lahat sapagkat nasusulat, “Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.”
1 Pedro 5:5 Ang Salita ng Dios (ASND)
At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Kinamumuhian ng Dios ang mga mapagmataas, ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba.”
1 Pedro 5:5 Ang Biblia (TLAB)
Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
1 Pedro 5:5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesya. Magpakumbabá kayong lahat sapagkat nasusulat, “Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.”
1 Pedro 5:5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)