1 Samuel 15:23
1 Samuel 15:23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pagsuway sa PANGINOON ay kasinsama ng pangkukulam at ang katigasan ng uloʼy kasinsama ng pagsamba sa mga dios-diosan. Dahil sa pagsuway mo sa salita ng PANGINOON, inayawan ka rin niya bilang hari.”
1 Samuel 15:23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan. Sapagkat itinakwil mo ang salita ni Yahweh, itinakwil ka rin niya bilang hari.”
1 Samuel 15:23 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari.
1 Samuel 15:23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan. Sapagkat itinakwil mo ang salita ni Yahweh, itinakwil ka rin niya bilang hari.”
1 Samuel 15:23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)