1 Samuel 16:11
1 Samuel 16:11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tinanong ni Samuel si Jesse, “Sila na bang lahat ang anak mo?” Sumagot si Jesse, “May isa pa, ang bunso, pero nagpapastol siya ng mga tupa.” Sinabi ni Samuel, “Ipasundo mo siya. Hindi tayo magpapatuloy sa ating gagawin hanggaʼt hindi siya dumarating.”
1 Samuel 16:11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.
1 Samuel 16:11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't tinanong ni Samuel si Jesse, “Mayroon ka pa bang anak na wala rito?” “Mayroon pang isa; ang bunso na nagpapastol ng mga tupa,” sagot ni Jesse. Sinabi ni Samuel, “Ipasundo mo siya. Hindi natin sisimulan ang paghahandog hangga't hindi siya dumarating.”
1 Samuel 16:11 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.
1 Samuel 16:11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)