1 Samuel 3:9-10
1 Samuel 3:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
kaya sinabi niya, “Mahiga kang muli at kapag narinig mo pang tinawag ka, ganito ang sabihin mo: ‘Magsalita po kayo, Yahweh. Nakikinig po ang inyong lingkod.’” At muli ngang nahiga si Samuel. Si Yahweh ay lumapit kay Samuel at muli itong tinawag, “Samuel, Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod.”
1 Samuel 3:9-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
kaya sinabi niya kay Samuel, “Bumalik ka na ulit at matulog, kung tatawagin ka ulit, sabihin mo, ‘Magsalita po kayo, PANGINOON. Nakikinig ang lingkod ninyo.’ ” Kaya bumalik si Samuel sa higaan at muling natulog. Lumapit kay Samuel ang PANGINOON at gaya ng dati, tinawag siya, “Samuel! Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, PANGINOON, sapagkat nakikinig ang lingkod ninyo.”
1 Samuel 3:9-10 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't sinabi ni Eli kay Samuel, Yumaon ka, mahiga ka: at mangyayari, na kung tatawagin ka niya, ay iyong sasabihin, Magsalita ka, Panginoon; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. Sa gayo'y yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako. At ang Panginoon ay naparoon, at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod.
1 Samuel 3:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
kaya sinabi niya, “Mahiga kang muli at kapag narinig mo pang tinawag ka, ganito ang sabihin mo: ‘Magsalita po kayo, Yahweh. Nakikinig po ang inyong lingkod.’” At muli ngang nahiga si Samuel. Si Yahweh ay lumapit kay Samuel at muli itong tinawag, “Samuel, Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod.”
1 Samuel 3:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)