1 Samuel 4:21
1 Samuel 4:21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang bata ay pinangalanan niyang Icabod na ang kahuluga'y “Umalis na ang kaluwalhatian ng Diyos sa Israel.” Ang tinutukoy niya'y ang pagkakuha sa Kaban ng Diyos at iniisip niya ang pagkamatay ng kanyang biyenan at ng kanyang asawa.
1 Samuel 4:21-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Bago siya namatay, Icabod ang ipinangalan niya sa bata, dahil sinabi niya, “Wala na ang makapangyarihang presensya ng Dios sa Israel.” Sinabi niya ito dahil naagaw ang Kahon ng Dios at napatay ang asawa niya at biyenan niyang lalaki.
1 Samuel 4:21 Ang Biblia (TLAB)
At ipinangalan niya sa bata ay Ichabod, na sinasabi, Ang kaluwalhatian ay nahiwalay sa Israel; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha, at dahil sa kaniyang biyanan at sa kaniyang asawa.
1 Samuel 4:21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)