1 Mga Taga-Tesalonica 2:13
1 Mga Taga-Tesalonica 2:13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Lagi rin kaming nagpapasalamat sa Dios dahil nang tanggapin nʼyo ang pangangaral namin, tinanggap nʼyo ito hindi bilang salita ng tao, kundi bilang salita ng Dios na kumikilos sa buhay ninyong mga sumasampalataya.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:13 Ang Biblia (TLAB)
At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)